Saturday, November 2, 2013

REMARKS FROM THE CHAIR

Statement of Vice-Governor Victorino Dennis M. Socrates 
before the Sangguniang Panlalawigan  in special session 
on 31 October 2013



Honorable Board Members, distinguished guests, friends in the gallery, ladies and gentlemen, good morning.

The vote this morning leading to the passage of this Resolution (favorably endorsing the 15-megawatt coal-fired power plant in Aborlan) is a political decision.  By unanimous vote of the Members present, this august body has decided in favor of development.

The question of endorsing the proposed coal-fired power plant in Aborlan is not complicated.  It does not, in itself, present any ethical dillemma.  This will not involve any violation of the moral law. 

Nor is there any real issue concerning the impact of the proposed project to the health and safety of the residents of the locality, or the environment, which are matters addressed to the further technical evaluation of personnel of the various government regulatory agencies involved, including our own Palawan Council for Sustainable Development.  Indeed, around 60% of the power supply in Luzon comes from coal-fired power plants, which are allowed precisely because they pass the standards set by our national scientific-technical regulatory agencies.

The only issue before us, therefore, is whether or not we want development.

The proposed project responds to an urgent need for electrical power supply in Palawan not only to meet the existing demand (our present supply is unstable and hardly meets demand because of antiquated generating equipment), but even more important, to electrify—to connect to the global economy—the thousands of households in mainland Palawan alone that are still in the Dark Ages; and not only that: to allow as well investments to come in.

But like all political decisions, our choice will not be pleasing to everyone.  There is opposition based on the ideology of conservation; and there is opposition based on a sentimental attachment to the status quo, to keep things as they are, and to maintain the rural or even deep-forest ambience of the town.  We respect their positions. 

But on the part of the political leadership of the provincial government, under the leadership of our beloved Governor Jose Ch. Alvarez, the overwhelming mandate from the electorate—manifested in an avalanche of votes giving him an unprecedented majority in the May 2013 elections—has been precisely for change—Pagbabago—which seeks to raise the 80% of Palaweños who are at present living below the poverty line to at least the level of the middle class; and, hopefully, to fly Palawan from third world to first in nine years.  This will not happen without rapidly increasing the supply of electricity by at least three times within such period, to power the industrial estates, five-star resorts and hotels, massive housing, transportation, and port requirements, hospital and other service facilities, and yes, call centers, as well as others we may not yet be capable of visualizing.

While there are other possible sources of energy, there is no other serious proponent in view apart from the coal-fired power plant seeking our endorsement to take the further steps towards its eventual operation.  Nor do we see any cogent reason to deny the endorsement sought. 

Furthermore, our beloved Governor has obtained an undertaking from the proponent, incorporated as a condition attached to our endorsement, to shift from coal to bio-mass fuel, and to design its equipment to allow such shift, in the event that the latter should become less expensive than the former—which is most likely to happen—and which will provide livelihood for thousands of families in Aborlan who could then be growers of the bamboo that can be used as substitute for coal.

In our system of democracy, the elected representatives are the voice of the people.  The proposed project has been endorsed by the Sangguniang Barangay of Barangay San Juan, Aborlan, and by the Sangguniang Bayan of Aborlan, having jurisdiction over the territory in which the proposed project will be undertaken and operated. 

The least that we in this august body can do in response to the crisis of our time is not to be obstacles to the hopes of our people to be finally and fully connected to the global network of production and exchange of goods and services; to become participants, no longer excluded, no longer marginalized; in short, to be liberated from poverty.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pag-unawa.


O.C.P.A.J.P.M.

Saturday, October 19, 2013

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA 10

ANG MGA BIRTUD

May kaibigang nakapagkuwento sa akin minsan, noong dekada noventa, na sila raw ay nagpagawa ng survey—pagsukat sa pulso ng bayan—upang alamin ang katangiang hinahanap ng mamamayan sa ihahalal nilang pulitiko.  Ang naging resulta yata ay pitumpung porsyento—lubhang nakararami—ang nagsabing “Matulungin” o “Madaling Lapitan”.    Nababanggit natin ito sapagkat ang pagiging matulungin ay isang birtud—virtue sa Ingles—mabuting ugali.  Mabuti ring pagtuunan pa ng pansin ang konsepto ng birtud:  mula sa katagang Latin, virtus, ibig sabihin, “lakas”; at may kinalaman din sa vir, mula rin sa Latin, at ang ibig sabihin, “tao”.  At sa kasalukuyang paggamit ng katagang “birtud”, ang tinutukoy natin ay mga ugali o kasanayang gawin ang mabuti sa lahat ng pagkakataon.  Sa wikang Ingles, stable inclinations or habitual dispositions to do what is good in every situation.

Mahalaga ang mga birtud sa pamumuhay na moral—sa ating pagsisikap na magpakatao, na patuloy na lumago sa pagiging mabuting tao, tungo sa pagiging “ganap”. 

Kung ang tao nga naman ay hahantong sa kanyang huling dapat kahantungan—sa pagiging kaisa ng Diyos sa kaligayahang walang-hanggan—ang ating pagkatao ay dapat tumupad sa tunay na kalikasan ng tao bilang tao, sa ating kalikasang ayon sa pagkakadisenyo ng ating Lumikha, at hindi sa ating sugatang kalikasang nagmula sa maling paggamit ng kalayaan.  Sa madaling salita, dapat tayong magpakabuti, magpakabanal, at ito ay nakikita sa ating pagkilos ayon sa mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral at ng matuwid na konsyensiya, sa ating pamumuhay na moral.  Ang Panginoong Hesu Kristo mismo ang nagsabi:  “Dapat kayong maging ganap, tulad din ng inyong Amang nasa langit,” You must therefore be perfect, just as your Father in heaven is perfect. (Mt 5:48)

Ngunit hindi pa-isa-isang gawa o pagkilos ang talagang sinusukat sa pagtungo sa ating kaganapan kundi ang ating pagkatao mismo:  ang pagkakalaan ng tao sa palagiang paggawa ng mabuti o masama.  “Birtud” ang pagkakalaan sa palagiang paggawa ng mabuti; “bisyo” naman, vice sa Ingles, ang pagkakalaan sa palagiang paggawa ng masama, kabaligtaran ng birtud.

Isa pang dahilan kung bakit mahalaga ang birtud ang bunga nitong pagpapadali sa paggawa ng mabuting tinutukoy ng birtud na nasasangkot.  Dahil naging ugali na, hindi na mahirap ang pagkilos na nararapat ayon sa ugaling iyon.  Madali nang gawin ang mabuti dahil nakasanayan na. 

Ganunpaman, hindi rin masasabing bumabȃ ang halaga ng pagkilos na iyon dahil sa naging madali, sapagkat hindi naman nakasalalay sa hirap na naranasan ang halaga ng gawa ng tao kundi sa tindi ng pagkakasangkot ng kalayaan, voluntariness—sa antas ng pag-ibig na kalakip ng pagkilos na iyon.  At dahil nagkakaroon tayo ng birtud sa marami at madalas na pag-ulit sa mabuting gawa upang maging ugali ito, masasabing higit na malaya, higit na may pag-ibig ang pagkilos na bunga ng birtud, kahit na hindi na pinaghihirapan ang bawat pagkilos.

Sa pagtungo sa ating kaganapan bilang tao, kailangang pagsikapang makamit ang lahat ng birtud.  Hindi masasabing papalapit sa kabanalan ang isang taong “matulungin”, kung siya naman ay may bisyo ng pagiging lasenggero.  Sa kahuli-hulihan, kailangan nating makamit ang lahat ng birtud, at maiwaksi mula sa ating pagkatao ang lahat ng bisyo.  Ito ang kaganapan ng tao bilang tao.

Lahat ng gawa, akto o pagkilos na mabuti, ay dapat maging birtud; ngunit dahil halos walang katapusan ang listahang mangyayari, at upang mapag-usapan at lalong maunawaan ng pag-iisip ng tao, natuklasang mabuting pagsama-samahin sa apat na magkakahiwalay na hanay ang mga birtud, mga hanay na kilala natin mula sa klasikal na pilosopiya sa pangalan ng apat na malawak na birtud, na binabanggit din sa Bibliya (Wis 8:7): una, ang birtud ng tamang paghusga, prudence sa wikang Ingles; ikalawa, ang birtud ng katarungan, justice; ikatlo, katatagan, fortitude; at ikaapat, pagtitimpi, temperance.  Tinatawag ding Cardinal Virtues ang apat na ito—mula sa cardos, Latin para sa “bisagra”—sapagkat maaaring isabit dito, na parang bisagra, ang bawat iba pang birtud.  Prudence ang birtud ng pagiging tama sa lahat ng pagpapasya, may kinalaman sa wastong pag-iisip.  “Katarungan” ang pagbigay ng nararapat sa bawat isa at sa lahat.  “Katatagan” ang birtud ng paggawa ng nararapat sa kabila ng kahirapang nasasangkot.  Temperance ang pag-kontrol sa mga hilig ng ating pangangatawan.

Kung mahalaga ang birtud para sa lahat, lalo pang dapat hanapan nito ang ating mga pinuno sa pamahalaan, sapagkat higit na marami ang apektado, higit na malaki ang epekto ng kanilang mga gawa sa kabutihang panlahat.

Bilang pangwakas, kailangan din nating sabihing imposible sa tao ang maging banal, kung kakayahan lamang natin ang aasahan.  Kailangan ang kapangyarihan ng Diyos at ang biyayang ayunan natin ito ng ating kalayaang pantao. 

Hanggang dito na lamang po pansamantala; hanggang sa susunod, all the best po sa inyong lahat.


O.C.P.A.J.P.M.

Saturday, October 12, 2013

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA 9

PAGLAGOM SA BATAS KALIKASANG MORAL

Nabanggit natin noong nakaraan:  Ang moralidad—ang pagiging mabuti o masama ng pagkilos ng tao bilang tao—ay may obhetibong batayan sa mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral, at may subhetibong batayan din sa konsyensiya o budhi ng taong gumagawa.  Mabuti ring pagtuunan pa ng pansin ang mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral.

Batas Kalikasang Moral ang kalipunan ng mga kautusang mula sa ating Lumikha, kalakip ng ating tunay na kalikasan bilang tao.  Ang tinutukoy nito ay wastong pagkilos ayon sa pagkakadisenyo sa tao bilang nilalang ng Diyos.  Dapat sana ay nakikita natin ang mga kautusang ito sa pamamagitan ng ating pag-iisip—ng ating kakayahang unawain ang katotohanan o mangatuwiran—ngunit dahil sa pagiging sugatan ng ating kalikasan bilang tao, dahil sa ating kahinaan, madalas ay mahirap nating makita.  Ngunit hindi ito nangangahulugang walang pag-asang magpakabuti ang tao, sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya, natutulungan tayong makita ang mali at tama.  Sa pananampalatayang Kristiyano, masasabing ang Sampung Utos ng Diyos sa Banal na Kasulatan ay isang paglalahad, isang paglagom, sa mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral.

Ang unang tatlong utos ay tungkol sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang Lumikha:  Una, “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan”; ikalawa, “Igalang ninyo ang pangalan ng Panginoong Diyos”; at ikatlo, “Panatalihing banal ang araw ng Panginoon”.  Ang sumusunod na pitong utos ay tungkol naman sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa: Ang ikaapat, “Ipagdangal ang inyong ama at ina”; ikalima, “Huwag kayong pumatay”; ikaanim, “Huwag kayong makikipagtalik sa hindi ninyo asawa”; ikapito, “Huwag kayong magnakaw”; ikawalo, “Huwag kayong magsinungaling laban sa kapwa”; ikasiyam, “Huwag ninyong pagnasahan ang asawa ng inyong kapwa”; at ikasampu, “Huwag ninyong pagnasahan ang ari-arian ng inyong kapwa”. (Ex 20:1-17)

Kapansin-pansing karamihan sa Sampung Utos ay nakasaad sa negatibo, pagbabawal; bagamat sa katunayan ay mga positibong kautusang sambahin ang tunay na Diyos, igalang ang buhay ng tao, gamitin sa tama ang kakayahang sexual, at iba pa.  Kaya naman nakasaad sa negatibo ay dahil naroon sa hindi pagkilos ang pinakamababang antas—ang minimum—ng pag-tupad sa kautusang tinutukoy.  Hindi nga naman maaasahang sa lahat ng pagkakataon ay makatulong tayong mapabuti ang buhay ng kapwa, ngunit maaaring asahan at ipag-utos na huwag na lamang siyang pahirapan.  Sa kadalasan ay wala man tayong magawa upang tulungang yumaman ang kapwa, ngunit maaari namang asahan at ipag-utos na huwag na lamang nating pagnakawan.

Ang pamumuhay na moral—pagtupad sa Batas Kalikasang Moral at sa matuwid na konsyensiya—ay pagpapaka-tao.  Ito ang “daang matuwid”; pagkilos na naaayon sa disenyo ng Lumikha at kailangang tahakin kung nais nating marating ang huling dapat kahantungan, ang kabanalan, ang pagiging kaisa ng Diyos sa Kanyang kaligayahang walang hanggan.  At habang ang tao ay namumuhay sa daigdig, habang sumasa-panahon, kailangang pagsikapan; kailangang pagtiyagaang makasanayan ang pagkilos na nararapat, kailangang lumago sa “birtud”—virtue sa wikang Ingles—o gawing ugali ang pagkilos ng tama sapagkat ito ang nagbibigay ng tatak o karakter sa ating pagkatao bilang masama o mabuti.  Wala nga namang kabuluhan ang pagiging tapat ni Juan sa katotohanan sa isang pagkakataon kung magsisinungaling naman siya sa siyam na iba pang pagkakataon.  At sa kabilang dako, ang taong may ugaling maging tapat sa katotohanan ay matatawag na ganoon kahit siya ay natutulog, sapagkat ipinahihiwatig ng ugali na sa lahat ng pagkakataon ay ganoon ang kanyang magiging pagkilos.

Ang bawat pagkilos na masama—imoral na gawa—ay pagtalikod sa ating Lumikha.  Ito rin ang buod ng kasalanan:  pagtalikod sa Lumikha upang kumiling sa nilikha; sa wikang Ingles, “a turning away from God and turning towards creatures”.  Kung ang buhay natin sa daigdig ay paglalakbay patungo sa Diyos, ang kasalanan ay pagpapaliko mula sa tamang daan, paglayo, mula sa dapat nating kahantungan.  Ito rin ang batayan ng kasabihang, the end does not justify the means; ang isang mabuting hangarin ay hindi nagpapabuti sa mali o masamang gawa; sapagkat kung masama o imoral ang isang gawa, may pagtalikod agad sa Diyos na hindi maaaring mapantayan ng anupamang mabuting hangarin.

Nilikha tayong malaya upang malaya nating gustuhin o piliing makaisa ang Diyos.  Walang pag-ibig kung walang kalayaan.  Kalayaan: ito ang kakayahan nating ituon ang sarili sa huling dapat kahantungan.  Ngunit hindi ito absoluto:  kailangang makisama sa obhetibong realidad; at isa pa, bawat pagpili natin ay mayroon ding pagkakatali.  Ngunit wala rin namang kabuluhan ang kalayaan kung hindi mauuwi sa pagpili at pagkakatali:  commitment.  At kalakip ng ating kalayaan ang pananagutan, responsibility:  bawat pagpili ay maaaring magdulot ng kaligayahan o kapighatian sa atin, at wala rin tayong ibang dapat sisihin.

Hanggang dito na lamang po pansamantala; hanggang sa susunod, all the best po sa inyong lahat.


O.C.P.A.J.P.M.

Saturday, October 5, 2013

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA 8

BATAS AT MORALIDAD

Sa klasikal na pilosopiya, ang sistema ng batas ng Estado ay masasabing pakikibahagi o partisipasyon ng sambayanan-bilang-sambayanan sa Batas Kalikasang Moral, natural moral law sa wikang Ingles.  Ibig sabihin, higit na mataas ang Batas Kalikasang Moral kaysa batas ng Estado; at kung tutuusin, hindi dapat sundin ang kautusan ng batas ng Estado—dapat ay labanan pa nga—kapag ito ay lumalabag sa Batas Kalikasang Moral.  Isang halimbawa sa kasaysayan ang mga batas ng Nazi Germany na nag-uutos na lipulin ang mga Hudyo.  Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at matalo ang mga puwersa ni Hitler, pinagpanagot at pinarusahan ang kanyang mga opisyal na nasangkot sa pagsagawa sa nangyaring bahagyang paglipol sa mga Hudyo, sa kabila ng katotohanang tinutupad lamang nila ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas ng Estado, sapagkat malinaw na labag sa Batas Kalikasang Moral ang ginawang maramihang pagpaslang o genocide sa mga Hudyo.

Ang mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral ang nagsisilbing obhetibong batayan ng moralidad—ng pagiging mabuti o masama—ng mga gawa o pagkilos ng tao bilang tao.  “Obhetibo”, objective sa Ingles, sapagkat nasa labas ng ating pagkatao; may sariling katalagahan; mula sa dalawang katagang Latin, ob-, “sa harap”, at –jectum, “itinapon”.  “Itinapon sa harapan,” nasa labas ng ating pagkatao, hindi nakasalalay sa kalooban.

Batas Kalikasang Moral ang kalipunan ng mga kautusang mula sa ating Lumikha, kalakip ng ating tunay na kalikasan bilang tao; dapat sana ay nakikita natin sa pamamagitan ng ating pag-iisip—ng ating kakayahang unawain ang katotohanan o mangatuwiran—ngunit dahil sa pagiging sugatan ng ating kalikasan bilang tao, dahil sa ating kahinaan, madalas ay mahirap nating makita.

Halimbawa ng mga obhetibong kautusang ito ang “Huwag magnakaw”: igalang ang karapatan ng kapwang magkaroon ng sariling ari-arian. Ito ay obhetibo—nasa labas natin—sapagkat hindi man natin alam, sang-ayon man tayo o hindi, masama ang magnakaw.  Hindi naaayon at lumalabag sa tunay na kalikasan ng tao bilang tao, sapagkat likas na karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng sariling ari-arian.  Makatuwiran ito sapagkat bahagi ng ating tunay na kalikasan bilang tao ang pagiging malaya, ang pagkakaroon ng kalayaang ituon ang sarili sa huling dapat kahantungan.  Sa kalayaang ito nakabatay ang karangalan ng tao bilang tao.  At upang mapangalagaan ang kalayaang ito, kailangang kilalanin din ang karapatang magkaroon ng sariling ari-arian, right to private property sa Ingles.  Hindi maaaring maging malaya ang tao kung iaasa niya sa awa o pagiging bukas-palad ng kapwa o ng pamahalaan ang kanyang mga pansariling pangangailangan.

Kung babalikan natin ang kultura ng katiwalian sa pamahalaan, masasabi nating masama ang “kickback” (tawagin man itong “s.o.p.” o “komisyon”)—isang uri ng pagnanakaw, paglapastangan sa pera ng kaban ng bayan—sapagkat “kabutihang panlahat” ang dapat maging motibo ng mga naglilingkod sa pamahalaan, hindi ang kikitaing kickback.  Makatuwirang hindi dapat payagan ang sistema ng kickback sapagkat, sa higit na karamihan ng pagkakataon, tiyak na matatabunan ng motibo ng kickback ang motibo ng kabutihang panlahat sa pagkilos ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan. 

Ngunit hindi lamang Batas Kalikasang Moral ang batayan ng moralidad.  Mayroon ding subhetibong batayan ang pagiging mabuti o masama ng ating mga gawa bilang tao.  Ito ang ating “budhi”—konsyensiya, conscience sa wikang Ingles—ang mismong paghusga ng ating pag-iisip tungkol sa ating gawa sa kongkretong kalalagayan.  Ang konsiyensya ng bawat isa ang subhetibong batayan ng moralidad; subhetibo, subjective sa wikang Ingles, sapagkat nakasalalay sa kalooban; mula sa dalawang katagang Latin, sub-, at –jectum, “itinapon sa ilalim”.

Kailangang laging sundin ang ating konsiyensya sapagkat, kung hindi, mahahati ang ating pagkatao.  May pagkawasak ang tao kapag ang kanyang gawa ay labag sa paghusga ng kanyang budhi.  Nawawalan tayo ng “integridad” o “pagkabuo”.  Karugtong nito, may tungkulin din tayong hubugin ang ating konsyensiya.

Hindi nga naman tayo maaaring maging kasisi-sisi kung hindi natin alam na masama ang ating gawa. Walang kasalanan ang mga musmos na walang-isip at ang mga maysakit sa utak. Ganunpaman, may obligasyon ang taong hubugin ang konsiyensiya upang alamin ang tama at mali dahil, kapag labag sa Batas Kalikasang Moral ang kanyang gawa, masasaktan pa rin siya sa obhetibong pagiging mali nito. Hindi nga kasisi-sisi ang isang walang-isip sa pag-inom niya ng lason, sapagkat hindi niya alam na lason, ngunit malalason pa rin siya, mamamatay pa rin.

Upang masabing “mabuti” ang ating mga gawa, dapat ay naaayon ito sa mga kautusan ng Batas Kalikasang Moral; at naayon din sa matuwid na konsiyensya ng taong gumagawa; pasado sa obhetibo at sa subhetibong batayan ng moralidad.

Hanggang dito na lamang po pansamantala; hanggang sa susunod, all the best po sa inyong lahat.


O.C.P.A.J.P.M.

Sunday, September 29, 2013

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA 7

DUE PROCESS

Nabanggit na natin sa pitak na ito na ang Saligang Batas ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi:  una, ang bahaging patungkol sa istruktura ng pamahalaan, na maaaring unawain sa pinakamahalagang prinsipyo nito, ang separation of powers; at ikalawa, ang Bill of Rights, na naglalaman ng mga protektadong karapatan ng mamamayan, bilang mga limitasyon sa kapangyarihan ng Estado.

Ang buod ng Bill of Rights ay nakapaloob sa konsepto ng Due Process na nakasaad sa Section 1, Article III, ng ating Saligang Batas: 

No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.

Ang Due Process ay sinasabing may aspetong “substantibo”, substantive, sa wikang Ingles; hindi lamang ito procedural o “pamproseso”. 

Ang substantibong aspeto ng Due Process ay maaaring ibaba sa pinakapayak na kahulugan nito at unawain bilang “pagka-makatuwiran”, reasonableness, sa wikang Ingles.  Sa kabilang dako, ang procedural na aspeto nito ay maaaring ibaba sa konsepto ng “pagka-parehas” o pagiging “patas ng laban”:  fair play, sa wikang Ingles. 

Dahil sa garantiya ng Due Process sa Saligang Batas, masasabing lahat ng kilos ng Estado—lahat ng mga kautusan at kaganapan sa ating sistema ng pamahalaan—ay maaaring hanapan ng pagka-makatuwiran at pagkaka-parehas, reasonableness and fair play; at kung wala nito o kulang dito, maaaring pawalan ng bisa sapagkat lumalabag sa Saligang Batas.

Napapanahon marahil na paksain ito, ngayong mainit at umiinit pa ang usapin ng pork barrel scam na sinasabing pinamumunuan ng isang Janet Lim-Napoles. 

Dapat ngang kondenahin ang pagkakawaldas sa katiwalian ng bilyun-bilyong piso mula sa kaban ng bayan, at parusahan ang mga dapat managot; ngunit kailangang dumaan sa Due Process upang mapatunayan kung ano ang talagang nangyari, kung sino ang dapat managot, at kung hanggang saan ang kanilang pananagutan.  Due Process din ang usapin ng kakailanganing antas ng patunay—degree of proof sa wikang Ingles—ang bigat ng ebidensya at tibay ng katiyakan.

Kung pananagutan o liability ang pag-uusapan, may tatlong malawak na uri nito:

Ang una ay “administratibo”.  Tumutukoy ito sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan at sa karapatan nilang magpatuloy sa kanilang panunungkulan.  Ang parusa ay maaaring pagsita lamang (reprimand) o pag-suspinde (nang ilang araw o nang ilang buwan) at pinakamatindi na ang pagkakatanggal (dismissal o removal).  Ang kinakailangang antas ng patunay sa mga kasong administratibo ay substantial evidence: basta’t mayroon lamang mapanghawakan ang naghuhukom na makakukumbinse sa isip at maaaring pagbatayan ng paghuhusga. 

Ang ikalawang uri ng pananagutan ay “sibil”; kadalasan, tumutukoy lamang sa mga ari-arian; at sa konteksto ng pork barrel scam, sa pagbabalik ng pera sa kaban ng bayan.  Ang kinakailangang antas ng patunay sa mga kasong sibil ay preponderance of evidence:  ang panig na may higit na patunay ang mananaig. 

Ang ikatlong uri ng pananagutan ay “kriminal”; tumutukoy sa paglabag sa kautusang may karampatang parusa sa batas, madalas ay pagkakulong (nang maikli o mahabang panahon, sang-ayon sa nilabag na kautusan).  Ang antas ng patunay na kinakailangan ay proof beyond reasonable doubt, patunay na walang iniiwanang dahilan para pagdudahan.  Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Due Process ang pagpapalagay na ang isang nasasakdal sa usaping kriminal ay walang sala—presumption of innocence—hangga’t hindi napapatunayang may-sala.

Nababanggit natin ang lahat ng ito upang ilagay sa konteksto ng sistema ng batas ang pagpapanagot sa mga nasasangkot sa pork barrel scam.  Hindi madali.  May kasalimuotan ang ating sistema.  Ngunit hindi rin tumpak ang kasabihang, “Justice delayed is justice denied”.  Masarap nga lang pakinggan at hindi rin katakatakang nagmula sa isang pulitiko, si William Gladstone, na ilang ulit naging Prime Minister ng Inglaterra noong ika-labingsiyam na dantaon.

Ang totoo, Justice is justice; at hindi ito nakasalalay sa pagiging maaga o atrasado, dahil ang pagiging maaga o atrasado ay napaka-subhetibong panukat, nakabatay lamang sa kalooban ng taong nagmamasid, sa pagiging pasensyoso o mainipin ng sumusukat.  Hindi dapat piliting madaliin o sadyaing bagalan ang proseso; hayaang umusad ayon sa nararapat na daloy nito.  Ang mahalaga ay matupad ang batas sa titik at diwa nito.  Ito rin lamang ang maaari nating panghawakang batayan ng katarungan mula sa punto de vista ng sambayanan bilang sambayanan.

Hanggang dito na lamang po pansamantala; hanggang sa susunod, all the best po sa inyong lahat.


O.C.P.A.J.P.M.

Wednesday, September 18, 2013

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA 6

KICKBACK, S.O.P., KOMISYON, TONGPATS

Isa sa mga kailangang linawin, kung talagang tatalikuran na natin ang kultura ng katiwalian sa pamahalaan, ang isyu ng “kickback”, madalas tinatawag ding “S.O.P.”, o “komisyon”, o tongpats.  Ano nga ba ito, at bakit masasabing “mali” o “masama” kung ito ang kalakaran?

Kung tutuusin, ang nabukong pork barrel scam na kinasasangkutan ng pamilyang Napoles ay tungkol din sa kickback, masyado nga lamang na sinagad ang “kita” ng sindikato, madalas wala nang natitira para sa proyekto, at lubhang napakalaki ng halagang nababanggit.  Marahil, kung hindi umabot sa ganoong antas, tuloy-tuloy pa rin ang kalakaran.  At kahit nga nagkaganon, hindi pa rin mabubulgar kung hindi sila ipinagkanulo ng mga kasamahan din nila, ang “whistleblowers” na pinangungunahan ni Benhur Luy na pinsan ni Janet Lim-Napoles.

Kaya naman “kickback” ang tawag sa perang napupunta sa pulitikong nanunungkulan ay dahil mistulang “sinisipa” ito “pabalik” sa pulitiko.  Perang mula sa kaban ng bayan, lalabas sa pamamagitan ni konggresman para sa programa o proyektong pampubliko, daraan sa kung aling ahensya ng pamahalaan at isasakatuparan ng pribadong kontratista na siyang magbabahagi ng kung ilang porsyento kay konggresman, bilang “komisyon” ni konggresman.  “Kickback” nga nararapat na tawag sapagkat “pailalim” ang pagbigay kay konggresman, patagô; hindi maaaring iabot sa pamamagitan ng mga kamay, sapagkat kung ganoon ay maaaring makita ng iba.  Dahil nga naman naging kalakaran, nauso na ring tawaging “S.O.P.”, standard operating procedure.  Mas masarap nga naman ito pakinggan kaysa “kickback”.

Sa usapin ng pork barrel, konggresman ang magsasabi kung anong proyekto ang nais niyang paglaanan ng pondo, maaaring pagpatayo ng tulay o pagbili ng mga aklat-aralin para sa mga mag-aaral sa eskwelahan.  Kung pang-imprastraktura tulad ng tulay, ang pondo ay daraan sa DPWH na siyang magpapakontrata ng proyekto.  Dahil nakikisama ang District Engineer ng DPWH sa konggresman, “aayusin” o “lulutuin” ang bidding upang mapunta ang kontrata sa kontratistang gusto ni konggresman.  Si kontratista ang magbibigay ng S.O.P. sa konggresman—at, malamang, pati sa mga kawani ng DPWH na pinagdaanan ng mga dokumento.  Kung pagbili naman ng mga aklat-aralin, ang pondo ay daraan sa Schools Division ng DepEd na siyang magpapakontrata sa supplier ng textbooks.  Dahil nakikisama ang Division Superintendent sa konggresman, aayusin o lulutuin ang bidding upang mapunta ang kontrata sa supplier na gusto ni konggresman.  Si supplier ang magbibigay ng S.O.P. sa konggresman—at, malamang, pati rin sa mga kawani ng DepEd na pinagdaanan ng dokumento.

Malamang na nagsimula ang kalakaran sa sampung porsyento lamang ng halaga ng kontrata.  Ngunit bakit nga naman hindi taasan ang komisyon ni konggresman?  Naging biro tuloy na may mga mestisong mambabatas na fifty percent Filipino, fifty percent Chinese, at thirty percent Korean.  Hindi pala dahil taga-Korea kundi dahil madalas na bukambibig nito ang “I-advance mo na ang thirty percent ko riyan”.  Sa pahayag ni Benhur Luy sa pagdinig ng senado, umaabot ng limampung porsyento ng halaga ng proyekto ang napupunta sa mambabatas, kaya naman wala nang mapupunta sa proyekto:  ang natitirang limampung porsyento ay paghahatian na lang ng kontratista (o fixer tulad ni Napoles sa kuwento ni Luy) at ng mga kawani ng departamentong pagdaraanan ng mga dokumento.  Pepekehin na lamang ang mga papeles.

Marahil, may mga mambabatas na dating naniniwalang may karapatan sila sa S.O.P. o komisyon mula sa kanilang pork barrel.  Ngunit sa pagputok ng sampung bilyong pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga Napoles, dapat lamang na matigil na ito.  Malamang, hindi lamang si Napoles ang may ganitong raket; hindi lamang tatlong senador (mula sa dalawampu’t apat), at hindi lamang dalawampu’t tatlong konggresman (mula sa halos tatlondaan) ang kasali.

Masama ang kickback—tawagin mang S.O.P. o komisyon—sapagkat, unang-una, ipinagbabawal ito ng batas, na may karampatang parusang pagkakulong.  Ayon sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, “the following shall constitute corrupt practices of any public officer and are hereby declared to be unlawful:  (b) Directly or indirectly requesting or receiving any gift, present, share, percentage, or benefit, for himself or for any other person, in connection with any contract or transaction between the Government and any other party, wherein the public officer in his official capacity has to intervene under the law.”

Ngunit higit na mahalaga kaysa pagbabawal ng batas, masama ito sapagkat kung pahihintulutan, mangyayari at mangyayari ang paglapastangan sa pera ng kaban ng bayan—na dapat ay mapunta sa kabutihang panlahat—tulad ng sampung bilyong pisong pork barrel scam ng mga Napoles.  At sa bahagi ng mga mambabatas, kapag pinahintulutang tumanggap ng regalo o komisyon mula sa mga proyekto, sa malaon o madali, yung S.O.P. na ang magiging motibo sa pagtulak ng proyekto, hindi na kabutihang panlahat.

Hanggang dito na lamang po pansamantala; hanggang sa susunod, all the best po sa inyong lahat.


O.C.P.A.J.P.M.

Saturday, September 14, 2013

SEPTEMBER 14, FEAST OF THE EXALTATION OF THE CROSS

(Ngayon po, September 14, ipinagdiriwang ang Feast of the Exaltation of the Cross.  Ang sumusunod po ay repost ng isinulat ko noong 2007, sa isa ko pang blog, .   Maligayang kapistahan sa lahat!)

4. THE CROSS AND HUMAN SUFFERING

A friend of mine once observed that there is much poetry in Catholicism.  He was referring to the wealth of imagery in the Catholic Faith.  This could be said also of Judaism and of other Christian groups, but perhaps it is more pronounced in the Roman Catholic Church.  The observation comes to mind because today, September 14, is the Feast of the Exaltation of the Holy Cross, logically followed tomorrow, September 15, by the memorial of Our Lady of Sorrows: “standing by the cross of Jesus, his mother”. (Jn 19:25)  The cross is probably the most utilized image in catholic liturgy.

Even before the time of our Lord, the cross must have already been a metaphor for suffering, at least within the Roman Empire, where crucifixion was precisely the gravest penalty for crime.  From the time of our Lord, however, to us, Christians, the cross has meant not just suffering, but “redemptive suffering”.

Suffering is integral to human nature, not only to our “wounded” human nature but also to our authentic human nature, not least because man is spiritual soul and material body.  The human body, like all matter, is destined to disintegration; hence the inexorable march towards the wrenching agony of the separation of body and soul which is death.

While Adam and Eve enjoyed freedom from suffering before the original sin, it was by way of a “preternatural gift”, i.e., a good beyond the nature of the human creature, although not beyond the nature of the totality of creation (in the same way that “immortality” is beyond human nature but “natural” to purely spiritual creatures like the angels).  When they turned away from God, Adam and Eve lost all their “gifts” and could only transmit to us, their descendants, what was their “nature”, a damaged or wounded human nature at that.


  1. The Redemption accomplished by our Lord Jesus Christ brings humanity into “intimacy with God”, actualized individually by grace with the free cooperation of man.  But while we now enjoy this “supernatural gift” (beyond the nature of all creatures), its definitive fulfillment for each of us, including liberation from suffering and death, would take place in eternity. 

Our Lord Jesus Christ did not remove suffering from the life of man on earth.  Rather, He made it the very means of salvation, of our sanctification.  We benefit from the Redemption accomplished by our Lord in so far as we are united with Him.  We must learn to unite our own sufferings with that of our Lord.

It is of course good, nay, laudable, to alleviate or remove suffering, our own and others’, in so far as suffering consists in the absence or privation of a good, as long as our action does not constitute a turning away from our ultimate good.  But it is best, for the sake of that highest good, to embrace suffering.  Thus, we can face with Christian cheerfulness the unavoidable setbacks and difficulties of each day.  We can also actively seek opportunities for self-denial, for love of God and neighbor, in many little things that do not really harm ourselves nor inconvenience others, and which could pass unnoticed.

Suffering is an indispensable condition for our entrance into eternal happiness.  “If anyone wishes to come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me.” (Lk 9:23ff; cf. Mt 16:24; Lk 14:27)  Thus, the Church teaches:  “The way of perfection passes by way of the Cross.  There is no holiness without renunciation and spiritual battle.” (CCC, No. 2015) 

True, our Lord raised several persons from the dead, healed many sick and fed the hungry multitudes; but these must be seen as manifestations of His mercy and proofs of His Divinity, not as the inauguration of a world liberated from suffering.  In fact, after feeding the five thousand men, “when Jesus perceived that they would come to take him by force and make him king, he fled again to the mountain” (Jn 6:15). 

Our Lord did not come to bring political or economic liberation on earth.  The “messianic declaration”—“to bring good news to the poor he has sent me” (Lk 4:18) — “is to be understood mainly in a spiritual, transcendental sense” (The Navarre Bible, Note at passage).  It was precisely the Jews’ materialistic and earthbound reading of this quote from the prophet Isaiah (61:1ff) which blinded them from recognizing Jesus of Nazareth as the Messiah.  Let us not be misled by parties or movements that promise to eliminate poverty, injustice, suffering, from the life of man in the world. 

St. Josemaria writes:  “The happiness of us poor men, even when it has supernatural motives, always leaves a bitter aftertaste.  What did you expect?  Here on earth, suffering is the salt of our life.” (The Way, No. 203)  But also: 

Is it not true that, as soon as you cease to be afraid of the Cross, of what people call the cross, when you set your will to accept the Will of God, then you find happiness, and all your worries, all your sufferings, physical or moral, pass away?  Truly, the Cross of Jesus is gentle and lovable.  There, sorrows cease to count; there is only the joy of knowing that we are co-redeemers with Him. (The Way of the Cross, Second Station)


(14 September 2007)