Tuesday, December 7, 2010

PRIVILEGE SPEECH

TOWARDS A PHILOSOPHY OF LAW
(Speech of Rep. V. Dennis M. Socrates in the House of Representatives 6.XII.2010)

Mr. Speaker,

Thank you for this privilege of sharing some points for reflection. The title of this speech is “Towards a Philosophy of Law” because it is about the need to be clear on fundamentals, the need for a clarity that digs below the surface of mere routine or even of technical competence, in answering the question “What is the task of the legislator” and its even more fundamental companion, “What is law?” We are, of course, referring to human positive law, the “law of the land”, the laws of our legal system.

Philosophy, after all, cannot belong exclusively to professional philosophers (nor is this representation such a one, notwithstanding my family name). Indeed, philosophy is the knowledge of things according to their ultimate causes. Namimilosopiya na tayo sa pagsisikap nating alamin ang puno at dulo ng mga bagay-bagay; at kailangang magmuni-muni tayo nang ganito paminsan-paminsan upang alamin ang ating pinatutunguhan at nang hindi tayo maligaw ng landas.

Any philosophy of the legal system must, as a matter of course, define “law” according to its “ultimate causes”. To the school of Legal Positivism, law is simply “the command of the sovereign”; to the Historical school of jurisprudence, law is to be “found (not made)” in historical tradition; to the Sociological school, it is simply the “balancing of social interests” or “social engineering”; and to the so-called “Realist” view of Justice Oliver Wendell Holmes, Jr., it is “what judges in fact do”. But the most comprehensive school of legal philosophy is that which is sometimes referred to as the Classical School or the Natural-Law School. It is this approach that gives us the well-known definition of law, or the norms of the legal system, as “ordinances of reason for the common good promulgated by the political authority”.

Natural law thinking in jurisprudence teaches the existence of a set of norms (the natural moral law) as higher than the norms of the legal system (or human positive law) and to which these latter must conform. Thus, the legal system is a participation (by society through its political authority) in the natural moral law. The norms of the natural moral law derive from the truths of human nature and are discernible, albeit with difficulty, by human reason.

Law must conform with morality; and the norms of the natural moral law constitute the objective bases of morality. These norms are “objective”; that is, they have an existence outside the consciousness of the individual human person. Whether one agrees or not, whatever surveys may show, murder, theft, and so on, are immoral. They run counter to our authentic human nature. And laws that are immoral cannot be binding or cognizable as law. To cite a specific area of conduct, this representation cannot see how a law that promotes contraceptive sex can be valid law, because contraceptive sex is immoral.

Contraceptive sex is immoral because it is the use of the human sexual power in denial of the “procreative purpose” of the marital act. Indeed, reason tells us that the purpose of sex is procreation and the union of the spouses, and any exercise of this faculty in rejection of the procreative or unitive purpose is an abuse, a moral disorder.

It is not for nothing that the term “reproductive system” is applied to the collection of body parts involved. Sex is for reproduction; and it is therefore an abuse, a moral disorder, to utilize the human sexual faculty in denial of its procreative end, which is what contraceptive sex is all about.

Contraceptive sex is immoral just as it is immoral to eat for the sake of satisfying the appetite, in denial of the end proper to the “digestive system”, which is the nourishment and preservation of the individual's life. The pleasures involved in eating, and for that matter, in sex, are nature's ways of helping man to achieve necessary ends he might otherwise neglect to his injury. To place these pleasures above the purposes they are only supposed to facilitate would be like a bridegroom choosing the bridesmaid over his bride.

On the other hand, sex is, of course, different from eating: “For, unlike food, which is necessary for every individual, procreation is necessary only for the species, and individuals can dispense with it.” Indeed, the capacity to enjoy food is directly oriented to the good of the individual, while the capacity for sex is oriented to the good of the family and society (preservation of the species) rather than the need of the individual. This is a truth affirmed by those who have lived holy celibacy.
This divergence in ends would explain why the immorality of contraceptive sex is perhaps less obvious (to the individual) than that of gluttony (or the unbridled appetite for food and drink, in which induced vomiting, to allow one to continue eating or drinking, is roughly the moral equivalent of contraception). The undesirable consequences of the disorderly use of the sexual faculty (on family and society) may not directly affect the individual actor or agent, unlike those arising from over-eating or drunkenness.

The different purposes of the appetites for sex (for the good of society) and food (for the individual) would also explain why the pleasure in sex is more intense than in eating, This would be nature's way of compensating the individual for serving the social purpose. It is obvious that most people would still eat, knowing they need to in order to live, even with only the gentle prodding of the apetite. On the other hand, far less would think of marriage and raising a family without the greater incentive and strong urge therefor accompanying the marital act. Even so, the analogy stands: gluttony leads to the death of the individual; sex in denial of its procreative purpose leads to the death of the family and society.

Proponents of the notion that contraceptive sex were morally licit would argue that the purpose of the human sexual faculty is served already in the loving union of the partners; that there is no need to advert to the procreative end. On the contrary, however, to deny the procreative end of sex would also remove the rational basis for the very existence of the institution of marriage. Indeed, an indissoluble marriage is necessary precisely because sex is intended by nature for procreation, which includes the upbringing and education of the offspring; and because human life, in its totality, is so fragile in its developing stages. The good upbringing and education of the human offspring requires a lasting partnership of the father and mother; that is, lasting independently of the changeable preferences and circumstances of the parties. Thus, if sex is not for procreation, the institution of marriage would be meaningless.

It is precisely because of the obvious procreative purpose of sex that even primitive cultures have some sort of mariage. The common good requires a social “mechanism” to ensure the welfare of the offspring. Thus, to hold that the conjugal act may be separated from its procreative purpose, so as to justify contraceptive sex, is also to justify divorce (because there would be no need for permanence in the partnership of the spouses) and homosexuality (in which procreation is inherently impossible), and so to open the floodgates for the unwholesome scenarios arising from a prevalence of these (broken homes, juvenile delinquency, the AIDS epidemic, and so on), not to mention the problems of shrinking or aging populations in those nations that have early on adopted birth-control policies, confusing issues of social-justice and economics, with supposed over-population.

Contraception is the active removal of the procreative end from the sexual encounter by human action. On the other hand, sex during the infertile periods involves nothing of that sort: even if foreseen or availed of by the spouses, the impossibility of achieving the procreative purpose of the sexual encounter is “independent of their will”. Indeed, even during the fertile periods, “new life is not the result of each and every act of sexual intercourse.” Thus, sex during the infertile period is morally good in so far as it serves the unitive purpose (alone) of marriage, since it is not by human intervention that the procreative purpose is removed from the sexual encounter. It helps also to consider that “recourse to the infertile period” is actually, essentially, abstention or the non-use of sex during the fertile periods, in which case there is no abuse (no wrongful use) of the sexual faculty; hence, no moral disorder.

One last point. Much is often made of the idea of contraception as the only way to check population growth which supposedly condemns families to poverty. But this proposition unduly shifts the blame on the poor (for reproducing); whereas the causes of poverty lie elsewhere. Moreover, population control programs assume an authority to determine (by arbitrary, subjective criteria) who (or which economic classes, ethnic groups, or sectors) may multiply and who should eventually become extinct as a group. But the State has no such authority. To hold otherwise would justify the totalitarian state’s “one-child policy”, forced sterilization, even genocide or ethnic cleansing. Thus, right reason demands that society leave “the proper regulation of the propagation of offspring” to the right consciences of married couples, in accordance with the principle of subsidiarity; that is, without the undue influence of propaganda and other inducements or coercive measures, whether state-sponsored, foreign funded or financed by big business, and certainly without “legitimizing” immoral acts through legislation.

Much more can and would need to be said on the matter, but, for the moment, this representation feels that he has said enough.

Thank you.

Sunday, November 21, 2010

BALITANG BATASAN 3 (20.XI.2010)

Bukas, ika-tatlumput-apat na Araw ng Linggo sa Karaniwang Panahon, ang kahulihulihang Araw ng Linggo ng taong panliturhiya, ipagdiriwang ng sambayanang Kristyano ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari, Solemnity of Christ the King, upang isaala-ala sa malaking paraan ang layuning pag-hariin si Kristo sa buong sansinukob, sa lahat ng bagay, ngunit unang-una sa ating mga puso, sa ating kalooban, sa ating mga tahanan at gawaan, sa ating bayan.


Tamang-tama ring napapaloob sa buwan ng Nobyembre ang pagdiriwang na ito sapagkat ang buwan ng Nobyembre ay masasabing nagbubukas sa tema ng kamatayan, ng huling mga bagay, ang huling dapat nating kahantungan, buhay at kaligayahang walang-hanggan. Sa unang araw ng Nobyembre ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng Mga Banal, Solemnity of All Saints, at kasunod agad, sa ikalawa ng Nobyembre, ang Paggunita sa Lahat ng Mga Kaluluwa.


Ang tao nga naman ay “sumasakatawang diwa”, sa wika ng mga pilosopo, “espiritwal na diwa sa materyal na katawan”, spiritual soul in material body, at sa espiritwal na dimensyon man lamang, may pag-iral na walang katapusan. Bagamat ang katawan ay masisira dahil materyal, ang espiritwal na diwa ng tao ay walang pagkasira dahil walang mga bahaging maaaring paghiwa-hiwalayin. Ang itinuturing nating kamatayan ay ang pagkasira ng ating materyal na katawan at pagkakahiwalay dito ng ating espiritwal na diwa. Ngunit hindi iyan ang katapusan ng lahat para sa ating mga tao; kung nagkaganoon ay walang kabuluhan ang ating buhay.


Hindi rin katanggap-tanggap sa tao na ang lahat ay magwawakas sa kamatayan, na lahat ng ating pagsisikap, lahat ng dinaranas at dinaraanan ay mawawalan ng saysay sa huling buntung-hininga, na lahat ay mauuwi sa wala. Ang likas nating paghangad ng kaligayahan bilang tao ay laging may kalakip na paghanap ng kabuluhan. Wala tayong dapat ikasaya kung ang buhay ay walang kabuluhan.


Kabalintunaan o irony, taliwas sa maaaring inaasahan, marahil, ngunit itong mismong paghangad natin ng kabuluhang hindi mapapawalang-saysay ng kamatayan, ang paghangad ng kaligayahang hindi mapapawi sa pagkasira ng katawan, ito rin ang nagpapahiwatig na ang ating pagkatao ay may aspetong lumalampas, umiibayo sa ating buhay sa mundo.


Bagamat alam nating may katapusan ang buhay sa mundo, may kakayanan pa rin tayong mag-isip, mangarap ng pag-iral pagkatapos ng buhay na ito. Bagamat may hangganan ang ating katawan, may pagkasira, may kakayanan pa rin tayong panghawakan sa ating pag-iisip ang walang-hanggan. Ganundin naman, bagamat ang ating pangangatawan ay may mga pangangailangan at mga udyok na likas dito, ang tao ay may kakayahan ding tanggihan o lampasan ang mga udyok na ito. Kasama ng pag-iisip, may kalayaang pumili ang tao, kalayaang hindi lubos na nakapaloob sa ating pangangatawan. Dahil dito, masasabi ngang hindi nagtatapos ang lahat sa pagkasira ng ating katawan.


Ang espiritwal na diwa ng tao ay may pag-iral na walang katapusan; at ang mga kakayahan nito—pag-iisip at kalayaan, na likas na nakatakda sa pag-unawa ng totoo at pagkiling sa mabuti—ay patuloy na maghahanap ng katotohanan at kabutihan; at magiging lubos lamang ang kasiyahan kapag nakaisa na ang Kaganapan ng Katotohanan at Kabutihan, sa madaling salita, kapag lubos na nakaisa ang Diyos. Ito ang kaligayahang walang-hanggan na dapat nating kahantungan, ang “isang bagay lamang na talagang kailangan”, sapagkat kung hindi ito, walang-katapusan ding pagkauhaw ang ating sasapitin. Sabi nga ni San Agustin, “Panginoon, nilikha Mo kami para sa Iyo, at ang aming mga puso ay hindi matatahimik hangga’t hindi nahihimlay sa Iyo.” Lahat ng tao, nilikha ng Diyos upang Siya ay kilalanin at ibigin at nang maging kaisa Niya sa kaligayahang walang-hanggan. Lahat tayo, tinatawag sa kabanalan, sa pagiging kaisa ng Diyos, sa kaligayahang walang-hanggan.


Nababanggit natin ito sapagkat turo din ng ating pananampalataya na ang lahat ng ating gawain, bastat angkop sa tunay na kalikasan ng tao, ay maaaring maging daan ng pagpapakabanal, kapag isinagawa nang mabuti at nang may pag-ibig sa Diyos. Kasama sa mga gawaing ito ang tungkulin ng mga pulitiko, ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan: maaaring maging daan ng pagpapakabanal, pagtungo sa kaligayahang walang-hanggan, kung gagawin nang maayos ang tungkulin, mamumuhay ayon sa mga kautusan ng batas-kalikasang moral, huwag nang lumihis sa “matuwid na daan”, tigilan na ang kultura ng katiwalian, sapagkat sabi nga ni Pangulong Noynoy, “Kung walang corrupt, walang mahirap”. Ito rin ang buod ng Bagong Pulitikang nais nating isulong. Ipanalangin natin ang lahat ng ating mga pulitikong nanunungkulan, kasama po ako, na sana nga ay maging daan ng pagpapakabanal ang kanilang mga gawain, para rin sa kabutihang panlahat.


Hanggang dito na lamang pansamantala. All the best po sa inyong lahat!


O.C.P.A.J.P.M.

Friday, October 22, 2010

BALITANG BATASAN 2 (10/16/2010)

Mga kababayan sa ikalawang distrito ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa: ito po si Dennis Socrates, ang inyong kinatawan sa konggresso at ikinagagalak ko po ang pagkakataong ito na makapagbahagi sa inyo ng aking niloloob kahit na sa pamamagitan lamang ng telepono sapagkat nandito pa po ako sa kamaynilaan.


Kagabi po o kanina pala iyon, alas tres na ng umaga nang matapos ang pagtalakay sa panukalang budget ng administrasyong Noynoy Aquino, pumasa na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives, bagamat daraan pa sa ikatlong pagbasa sa pagbukas uli ng kapulungan. Pahinga sa mga sesyon ang konggreso hanggang November 8 ngunit may ilang mga komite rin na nagsipagtakda ng mga meeting sa panahong ito.


Dahil tapos na ang pagtalakay sa budget, malamang na mapag-usapan na sa konggreso ang kontrobersiyal na Reproductive Health bills; naipanukala na sa ilang nakaraang konggreso ngunit hindi pumasa at ngayon ay sinusubukan uli, ilang miyembro ng House of Representatives ang nagsampa ng kani-kanyang bersiyon ng panukala ngunit ang pinakatanyag ay ang House Bill No. 96 ni Congressman Edcel Lagman, sapagkat siya rin ang naging pinakamalakas na tinig sa pagsulong nito sa dalawang nagdaang konggreso.


Ang buod ng mga Reproductive Health bills na ito ay ang pag-obliga sa pamahalaan at mga health workers na gumugol ng salaping nagmula sa buwis ng mga mamamayan upang mamigay ng mga kontraseptiba. Ang tinutukoy po ng kontraseptiba ay mga artipisyal na kagamitan o droga na pumipigil o pumuputol sa pagbubuntis o pag-aanak. Ako po ay tutol sa panukalang ito sapagkat ang conraceptive sex ay labag sa batas-kalikasang-moral, ibig sabihin, salungat sa kabutihan ng tao bilang tao.


Immoral po ang contraceptive sex sapagkat ang kakayahang mag-sex ng tao ay likas na nakatakda sa dalawang hantungan: una, sa pag-iisa, union, sa pag-iibigan ng mag-asawa; at, ikalawa, sa pagkakaroon ng bunga, sa pagkakaroon ng supling, procreation. Kaya ang tama at mabuting paggamit sa kakayahang mag-sex ay dapat na bukas o umaayon at hindi kontra sa dalawang layuning ito: may pag-ibig at tinatanggap ang posibleng maging supling, bukas sa pagkakaroon ng bunga, sa pag-aanak. Okey ang paggamit ng kakayahang mag-sex kung, una, may pag-ibig sa pagitan ng magkatalik, at, ikalawa, bukas ang kanilang kalooban sa pagkakaroon ng supling, o sa pinakamababang sukatan nito, wala silang ginawa para pigilan ito. Kailangan laging naroon ang dalawang kondisyong ito, hindi pwedeng paghiwalayin.


Ang sinasabi ng pumapabor sa kontraseptib sex, okay ang sex kung may pag-ibig sa pagitan ng magkatalik, makatao na raw ito, hindi na immoral, kapag may pag-iibigan, kahit na sadyaing pigilan nila ang pagbunga nito.


Mali po ang pananaw na ito. Hindi maaaring sabihing isa lamang ang likas na hantungan ng kakayahang mag-sex ng tao, na ito ay okay na bastat may pag-ibig. Hindi maaaring bale-walain o isa-isantabi ang pagkakatakda nito sa pagkakaroon ng bunga. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang hantungang ito ng pag-aasawa.


Hindi nga naman maaring sabihin okay ang sex kung bukas lamang sa pag-aanak ang magkatalik. Kapag walang pag-ibig, rape ang tawag sa sex, isang kamaliang moral. Kung sasabihin namang ang likas na layunin ng sex ay natutupad na sa pag-iibigan lamang ng magkatalik, magiging okay na pala ang sex sa pagitan ng magkasing-kasarian, homosexuality. At kaya nga alam nating immoral ang homosexual intercourse ay dahil hindi ito maaaring tumupad sa layunin ng pag-aanak. Isa pa, kung sasabihing hindi kailangang maging bukas sa pag-aanak ang sex, mawawalan na rin ng saysay ang institusyon ng kasal. Kaya nga laging kasunod ng paglaganap ng kontraseptibo ang pagkasira ng institusyon ng kasal, nauuso ang diborsyo.


Magandang pagmunimunihan ang dahilan kung bakit may may institusyon ng kasal ang halos lahat ng lipunan, kahit mga sinaunang tribo, kahit papaano, may seremonya kung saan ang nag-iibigang nais magsama at magtalik ay nangangako sa harapan ng tribo na sila ay nagpapatali sa isa’t-isa nang pangmatagalan. Ito ay dahil nga likas na nakatakda ang pag-aasawa sa pag-aanak. Ang buhay ng tao, na bunga ng pagtatalik, ay maselan at mahina sa simula at kailangan ng matagal na pag-aaruga, kailangan ng pagtutulungan ng ama at ina sa matagal na panahon bago maging handa ang kanilang supling na mamuhay nang sarili. Kailangang itali, obligahin, sa tungkuling ito ang mag-asawa sa harap ng tribo. Ang tribo ay may karapatang tiyakin ang kapakanan ng mga sumusunod na salinlahi; kung hindi ay mauubos o malilipol ang tribo.


Kung ang sex ay hindi likas na nakatakda sa pag-aanak, walang dahilan para talian ang dalawang taong gustong makipag-sex sa isa’t-isa. Walang dahilan ang institusyon ng kasal. Okay lang ang live-in, okay na rin ang diborsyo, kahit na malinaw na ipinagbabawal sa Bibliya. At kung walang kasal, laging may madedehado sa paghihiwalayan; palibhasa’y nakakita lamang ang isa ng mas mayaman, mas makisig o mas maganda, maaaring iwanan na ang dating kasama. Palibhasa nawalan ng trabaho si mister, maghahanap na ng ibang asawa si misis; o palibhasa pumangit o nagkasakit na si misis, maghahana na ng iba si mister.


Kung immoral ang contraceptive sex, hindi ito dapat itulak ng pamahalaan. Sisirain nito ang pamilya.


Marami pa ang maaaring sabihin tungkol dito ngunit tama na muna. Nais ko lamang bigyan ng diin na sa issue ng contraceptive sex ay tatamaan din ang isyu ng limitasyon sa kalayaan ng tao. Kapag ang isang tao ay nakapagdesisyon nang mag-asawa o gamitin ang kakayahang mag-sex, malaya pa ba siyang tumanggi sa likas na bunga nito? Puwede namang hindi gamitin ang kakayahang mag-sex.


Ang kalayaan ng tao, ang kakayahan nating itukoy ang sarili sa huling dapat kahantungan, ay hindi lubos, may mga limitasyon. Kailangang makisama sa obhetibong realidad, kasali ang mga katotohanan ng ating kalikasan bilang tao. Limitado rin tayo ng pagkakataling bunga ng bawat pagpili. Wala rin namang kabuluhan ang kalayaan, ang kakayahang pumili, kung hindi ito nauuwi sa pagpili at pagpapatali, commitment. At dahil maaaring higit na kaligayahan o kapighatian ang dulot nito, wala rin tayong ibang masisisi sa ating kahahantungan. Hindi mahihiwalay sa pananagutan ang kalayaan.


Maraming salamat po at all the best po sa inyong lahat.

Saturday, October 2, 2010

BALITANG BATASAN

Mga kababayan ko sa ikalawang distrito ng Palawan at sa lungsod ng Puerto Princesa: Ito po si Dennis Socrates, ang inyong kinatawan sa konggresso. Magandang araw po sa inyong lahat. Nais ko pong mag-ulat tungkol sa mga kaganapan sa House of Representatives nitong mga nakaraang araw.

Nitong katatapos na buwan po ng September, naging abalang-abala ang House of Representatives sa pagtalakay sa panukalang budget ng administrasyong Aquino para sa susunod na taong 2011. Bagamat ang usapan ay sa baitang pa lamang ng Appropriations Committee, maraming mga congressman ang dumadalo sa pagpupulong kahit hindi sila miyembro ng komite. May karapatan din nga naman ang lahat ng congressman na makilahok sa usapan at magtanong, kahit na mga miyembro lamang ng komite ang may boto sa mga pagpapasyang ginagawa ng komite.

Maraming tao palagi, umaga at hapon, sapagkat dumadalo rin ang mga pinuno ng bawat ahensya ng pamahalaan, may mga staff din silang kasama, upang depensahan ang panukalang budget para sa kani-kanilang ahensya.

Hindi po ako miyembro ng Appropriations Committee ngunit dumalo rin ako sa ilang pagpupulong nito at nitong nakaraang mga araw, nagkasama kami ng mga taga Palawan Council for Sustainable Development: sina Director Romy Dorado at Director Wewet Tabugon sa pagprisinta ng budget ng PCSDS. Noong sumunod na araw, mga taga Palawan State University naman, sina Dr. Fe Ricon at Mam Rowena Pareja.

Sa kabuuan ng buwan ng September, halos lahat din ng Regional Directors ng mga Departamento sa MIMAROPA Region ay nakapulong natin, kasama ko ang iba pang kinatawan ng MIMAROPA Region, at napag-usapan iba’t-ibang programa’t proyekto ng bawat departamento.

Natuwa po ako sapagkat nakita kong sa pangkalahatan, alam na alam ng mga Regional Directors na ito ang kanilang misyon, may mga naibabahagi pa silang mga tip kung paano mapahusay ang takbo ng gobyerno sa nibel ng polisiya. Karamihan sa kanila ay may mga master’s at doctor’s degrees, talung-talo kaming mga pulitiko, at nakumpirma ang matagal ko nang hinalang hindi ako maaaring magkunwaring magmarunong sa mga kawaning ito.

Isa sa mga paborito kong teoriya sa pulitika o governance ay ang kaisipang higit na magiging mahusay ang serbisyo ng gobyerno habang higit na bibigyang laya ang burukrasyang gawin ang kani-kaniyang tungkulin sa kani-kanyang departamento; sa madaling salita, kung babawasan pa ang pakikialam ng mga pulitiko o halal na opisyal.

Sa isang banda, natural lamang na hindi maaaring mawalan ng pakialam ang pulitiko sa takbo ng burukrasya. Ang halal na pinuno ay kumakatawan sa mga mamamayan at nariyan upang tiyaking may kakayanan ang mga kawaning nakatalaga sa burukrasya, at upang pasunurin sila kung sakaling lumabag talaga sa batas. Kaya nga sa mga chief executives, ang pinakamahalagang kapangyarihan ay ang “power to appoint”, kasama riyan ang hiring, firing at disciplinary power. Sa kabilang banda, pagkatapos na maitalaga at huwag lamang lumayo ng direksyon o umabot sa malinaw na paglabag sa batas, malaki dapat ang kalayaan ng kawani ng burukrasya na isakatuparan ang kanilang misyon, pabungahin ang kanyang departamento, sapagkat siya ang may higit na kaalaman at kasanayan sa kanyang gawaing iyon, hindi ang pulitiko, at lalong hindi ang isang congressman. Whew! Ang dami ko na yatang sinabi…

Nitong nakaraang halos buong buwan din ng September, isa sa malaking usapin ang impeachment cases na isinampa laban kay Ombudsman Merci Gutierrez. Ang dalawang halos magkatulad na reklamo ay isinampa nina dating Congresswoman Risa Hontiveros at ilan pang kasama niya. Ang isa pa ay isinampa naman ni Ginoong Renato Reyes ng Partido Bayan Muna, at may ilan ding kasama.

Ang buod ng reklamo sa impeachment cases na ito ay ang hindi pag-aksyon ng Ombudsman sa ilang malalaki at tanyag na kontrobersiya na, ayon sa mga nagrereklamo, dapat ay nauwi sa kasong kriminal laban sa mga nasasangkot (gaya nina dating Undersecretary Joselyn Bolante). Ito raw kawalan ng aksyon ay masasabing “culpable violation of the constitution” na isa sa mga grounds for impeachment.

Matapos pagpasyahan ng Committee on Justice na ang mga reklamo ay “sufficient in form and substance”, nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang Ombudsman at nakakuha ng Status Quo Ante Order: Ito ay kautusang ibalik ang kalalagayan ng mga nasasangkot sa kung nasaan sila bago magkaroon ng kontrobersiya; sa madaling salita, pinatitigil ang proseso ng impeachment sa baitang pa lamang ng komite.

Dahil dito, nang magpulong uli ang Committee on Justice noong nakaraang Martes, tinalakay agad ang epekto ng Status Quo Ante Order, kung ito ba ay dapat sundin at itigil nga ang proseso ng impeachment, o kung dapat bang ituloy ng komite ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon na kailangang matapos sa nakatakdang bilang ng araw. Miyembro po ako ng Committee on Justice.

Tatlong oras halos ang debate, bawat panig ay may magagandang punto, kaya nauwi sa botohan, at sa limampu’t limang kasapi ng komite, tatlumput tatlo ang nagsabing ituloy ng komite ang proseso ng impeachment, labing-apat ang bumoto kontra, isa ang nag-abstain at tila pito ang absent. Ako po ay bumoto sa panig ng pagpapatuloy ng proseso ng impeachment sapagkat naniniwala akong hindi lamang konstitusyon o batas ang batayan ng pagiging tama ng mga akto ng mga maykapangyarihan; dapat ay laging makatuwiran ang mga ito.

Higit na mataas pang pamantayan kaysa konstitusyon ang pagiging matuwid. Kahit na sabihin nating Korte Suprema ang pinakamataas na tagabigay ng kahulugan sa konstitusyon at batas, kapag hindi makatuwiran ang naging pasya, maaaring may obligasyon ang isang institusyong gaya ng konggresso na huwag sundin iyon.

Sa debateng naganap, malinaw ang labanan ng dalawang pilosopiya tungkol sa batas: sa isang banda, ang pananaw ng “legal positivism”, na nagsasabing ang batayan ng pagiging tama o mali ay ang batas din mismo; at sa kabilang banda, ang pananaw ng pilosopiyang “natural law” na nagsasabing ang batas ng tao ay pakikibahagi lamang at dapat ay naaayon sa higit pang mataas na batas, sa batas ng Diyos at batas-kalikasang-moral.

Kailangan nang magtapos. Sa susunod na natin pag-usapan ang Reproductive Health Bill.

Ngayon ay October 2, pista ng mga banal na anghel de la guwardiya, ikawalumput-dalawang anibersaryo rin ng pagkakatatag ng Opus Dei. Maligayang kapistahan sa inyong lahat! Kahapon naman, pista ni Sta. Teresita del Niño, kaya belated happy fiesta sa parokya ng Sta. Teresita sa Aborlan, kay Fr. Armand Limsa, at sa Ligit, sa bayan ng Dumaran kung naririnig tayo roon. Noong September 29, pista rin ng mga Arkanghel kaya belated happy fiesta sa parokya ng San Miguel, kay Monsinyor Jess De los Reyes, at sa Barangay San Rafael.

Hanggang sa susunod na Sabado, all the best po sa inyong lahat!

Wednesday, July 14, 2010

PINABILI LAMANG NG SUKA

INAUGURAL SPEECH OF REP. V. DENNIS M. SOCRATES (30 June 2010)

Justify Full

Pinabili lamang ng suka ng asawa, nahalal na bilang kinatawan sa konggreso.

Laging mahiwaga ang pagkakatakda sa kapangyarihan, ang pagkakatalaga sa katungkulan sa larangan ng pulitika, ang pagkakahalal. Hindi natin lubos na maunawaan kung bakit nananalo o natatalo ang isang kandidato. Masasabi nga natin marahil, dahil dito, “walang kapangyarihang hindi nagmumula sa Diyos”, there exists no authority except from God (Rom 13:2). Sa pulitika, marahil higit sa iba pang larangan, malinaw ang katotohanang “nasa Diyos ang awa”—at ang gawa. Nakikisakay lamang tayong mga tao, madalas ay nagbabakasakali lamang, na maging kasangkapan, makibahagi, maging kapaki-pakinabang sa pagsasakatuparan ng plano ng Maykapal, sa ikabubuti ng Kanyang sambayanan.

Sa kabila nito, malaya rin ang tao. At ang kalayaang ito, ang kakayahan nating itukoy ang sarili sa huling dapat nating kahantungan, ito rin ang nagbubukas sa posibilidad na tayo ay tumanggi sa kalooban ng Maykapal, tumalikod sa Diyos, upang piliting masunod ang sariling kagustuhan. Malaya tayo sapagkat nilikha tayo para sa pag-ibig—pag-ibig sa Diyos at sa kapwa—at ang pag-ibig ay wala nga namang iba kundi ang malayang pagkiling sa mabuti, sa kahulihulihan, pagkiling sa Diyos na kaganapan ng mabuti, at dito rin nakasalalay ang kaligayahang walang-hanggan ng bawat isa sa atin, ang huling dapat nating kahantungan. Ito ang kabanalan, ang kaganapan ng tao, ang kabuluhan ng ating pag-iral, ang “iisa lang” na “talagang kailangan” (Lk 10:42).

Mahiwaga rin ang pagtatalaban ng kapangyarihan at kaalaman ng Diyos at ng kalayaan ng tao. Sa isang banda, mula sa simula hanggang sa dulo ng walang hanggan, alam na ng Diyos ang lahat ng magaganap at mangyayari, ayon sa Kanyang kalooban o kapahintulutan. Sa kabilang banda, malaya nga ang tao na tumupad o sumuway sa kalooban ng Diyos. “Alam ng Panginoon kung sino ang sa Kanya” subalit “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat umiwas sa kasamaan” (cf. 2 Tim 2:19). Sa bahagi ng Diyos, ang lahat ay nakatakda na; sa bahagi ng tao, may kalayaan tayong magpakabuti o magpakasama.

Ang pagpapakabuti, pagpapakatao, pagpapakabanal, ay isang habambuhay na proseso ng pakikibaka at paglago sa pagkilala at pag-ibig sa Diyos; pagsasanay at pag-unlad sa pagkilatis at pagtupad sa kalooban ng Maykapal sa lahat ng larangang pantao na ating ginagalawan, kasama na ang larangan ng pulitika. Dahil dito, mahalagang laging maisalang-alang na ang ating pakikilahok sa pulitika ay dapat na maging daan ng pagpapakabanal, ng ating paglago sa pagiging kaisa ng Diyos; paraan ng ating pagtungo sa kaligayahang walang-hanggan na siya nating huling dapat kahantungan. Mangyayari ito kung gagawin natin nang mabuti ang ating mga tungkulin, sa abot ng makakaya, at gagawin nang alang-alang sa pag-ibig sa Diyos.

Ang hamon sa atin ay ang makilatis nang tama kung ano ang mabuti, kung ano ang kalooban ng Diyos na gawin natin, sa bawat pagkakataon; at ilaan ang ating kakayahan sa pagtupad dito. Maraming ibat-ibang interes ang ibat-ibang sector ng lipunan, kailangan ding pakinggan; ngunit sa huli, tayo ay mananagot din sa anumang pagpili natin, kung ito ba ay bunsod ng mabuting hangarin at naaayon sa obhetibong batayan ng batas-kalikasang moral, kung ito ba ay makatarungan, nagbibigay ng nararapat sa lahat; at kung ito ay tungo sa kabutihang panlahat—“ang kabuuan ng mga kalalagayang panlipunang nagbibigay posibilidad na makamit ng bawat tao ang kanyang kaganapan” (Gaudium et Spes, No. 26). Ito po ang buod ng pilosopiyang dala-dala ng inyong pipitsuging lingkod sa paglalakbay na ito. Baguhan na naman po ako at pagpasensyahan sana sa mga pagkukulang at posibleng mga pagkadapa. Madiin ko pong hinihingi ang inyong mga panalanging sa biyaya ng Maykapal, magampanan nating lahat nang mabuti ang ating mga tungkulin.

Maraming salamat kay Manong Pepito Alvarez, sa inyong pagbuo at pamumuno sa Partido Pagbabago ng Palawan at sa lahat ng inyong itinulong upang mahalal ang mga kandidato ng grupong ito. Maraming salamat kay Cong. Tony Alvarez sa inyong pakikiisa at pag-ako ng gawaing ipagpatuloy at itaguyod ang mga adhikain ng Partido. Maraming salamat kay Mayor Edward Hagedorn sa pagbitbit ninyo sa akin, at ganundin sa lahat ng mga kasama at tagasuporta ng Pambansang Mayor at Tunay na Lider ng Puerto Princesa.

Maraming salamat sa inyong lahat na narito, mga kapwa kandidato, mga bumoto at sumuporta sa amin; sa mga kaibigan, kamag-anak, sa lahat ng inyong naibahagi sa nakaraang yugto ng paglalakbay na ito; at ganundin sa lahat ng ating naging mga katunggali, sa pagiging maayos at mapayapa ng nagdaang halalan, at sa pagiging bukas sa pakikipagkasundo at pakikipagtulungan ng isat-isa tungo sa kabutihang panlahat.

Muli po, maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat.

O.C.P.A.J.P.M.