INAUGURAL SPEECH OF REP. V. DENNIS M. SOCRATES (30 June 2010)
Pinabili lamang ng suka ng asawa, nahalal na bilang kinatawan sa konggreso.
Laging mahiwaga ang pagkakatakda sa kapangyarihan, ang pagkakatalaga sa katungkulan sa larangan ng pulitika, ang pagkakahalal. Hindi natin lubos na maunawaan kung bakit nananalo o natatalo ang isang kandidato. Masasabi nga natin marahil, dahil dito, “walang kapangyarihang hindi nagmumula sa Diyos”, there exists no authority except from God (Rom 13:2). Sa pulitika, marahil higit sa iba pang larangan, malinaw ang katotohanang “nasa Diyos ang awa”—at ang gawa. Nakikisakay lamang tayong mga tao, madalas ay nagbabakasakali lamang, na maging kasangkapan, makibahagi, maging kapaki-pakinabang sa pagsasakatuparan ng
Sa kabila nito, malaya rin ang tao. At ang kalayaang ito, ang kakayahan nating itukoy ang sarili sa huling dapat nating kahantungan, ito rin ang nagbubukas sa posibilidad na tayo ay tumanggi sa kalooban ng Maykapal, tumalikod sa Diyos, upang piliting masunod ang sariling kagustuhan.
Mahiwaga rin ang pagtatalaban ng kapangyarihan at kaalaman ng Diyos at ng kalayaan ng tao. Sa isang banda, mula sa simula hanggang sa dulo ng walang hanggan, alam na ng Diyos ang lahat ng magaganap at mangyayari, ayon sa Kanyang kalooban o kapahintulutan. Sa kabilang banda, malaya nga ang tao na tumupad o sumuway sa kalooban ng Diyos. “Alam ng Panginoon kung sino ang sa Kanya” subalit “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat umiwas sa kasamaan” (cf. 2 Tim 2:19). Sa bahagi ng Diyos, ang lahat ay nakatakda na; sa bahagi ng tao, may kalayaan tayong magpakabuti o magpakasama.
Ang pagpapakabuti, pagpapakatao, pagpapakabanal, ay isang habambuhay na proseso ng pakikibaka at paglago sa pagkilala at pag-ibig sa Diyos; pagsasanay at pag-unlad sa pagkilatis at pagtupad sa kalooban ng Maykapal sa lahat ng larangang pantao na ating ginagalawan, kasama na ang larangan ng pulitika. Dahil dito, mahalagang laging maisalang-alang na ang ating pakikilahok sa pulitika ay dapat na maging daan ng pagpapakabanal, ng ating paglago sa pagiging kaisa ng Diyos; paraan ng ating pagtungo sa kaligayahang walang-hanggan na siya nating huling dapat kahantungan. Mangyayari ito kung gagawin natin nang mabuti ang ating mga tungkulin, sa abot ng makakaya, at gagawin nang alang-alang sa pag-ibig sa Diyos.
Ang hamon sa atin ay ang makilatis nang tama kung ano ang mabuti, kung ano ang kalooban ng Diyos na gawin natin, sa bawat pagkakataon; at ilaan ang ating kakayahan sa pagtupad dito. Maraming ibat-ibang interes ang ibat-ibang sector ng lipunan, kailangan ding pakinggan; ngunit sa huli, tayo ay mananagot din sa anumang pagpili natin, kung ito ba ay bunsod ng mabuting hangarin at naaayon sa obhetibong batayan ng batas-kalikasang moral, kung ito ba ay makatarungan, nagbibigay ng nararapat sa lahat; at kung ito ay tungo sa kabutihang panlahat—“ang kabuuan ng mga kalalagayang panlipunang nagbibigay posibilidad na makamit ng bawat tao ang kanyang kaganapan” (Gaudium et Spes, No. 26). Ito po ang buod ng pilosopiyang dala-dala ng inyong pipitsuging lingkod sa paglalakbay na ito. Baguhan na naman po ako at pagpasensyahan
Maraming salamat kay Manong Pepito Alvarez, sa inyong pagbuo at pamumuno sa Partido Pagbabago ng
Maraming salamat sa inyong lahat na narito, mga kapwa kandidato, mga bumoto at sumuporta sa amin; sa mga kaibigan, kamag-anak, sa lahat ng inyong naibahagi sa nakaraang yugto ng paglalakbay na ito; at ganundin sa lahat ng ating naging mga katunggali, sa pagiging maayos at mapayapa ng nagdaang halalan, at sa pagiging bukas sa pakikipagkasundo at pakikipagtulungan ng isat-isa tungo sa kabutihang panlahat.
Muli po, maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat.
O.C.P.A.J.P.M.
No comments:
Post a Comment