(Heto po ang aking partially-aborted privilege speech sa sesyon-plenaryo ng kamara de representante noong ika-14 ng Agosto 2012. Mahaba ang istoryang naganap noon ngunit, sa madaling salita, nakapagtalumpati rin ako, hindi nga lang natapos...)
Mr.
Speaker:
I rise on a
matter of personal and collective privilege.
This is about the integrity and reputation of this House and its members
vis-a-vis the termination of the debate on the RH Bill last August 6. I believe that we owe our nation an
explanation on what happpened; and that each member of this house has the right
to make that attempt: a right that is also
a duty.
Noon pong
sanlinggo bago dumating ang August 6, sa aking pagkaalam, nagkaroon ng pag-uusap
ang pinakamataas na pamunuan ng kapulungang ito, kaharap ng mga pinuno ng
ibat-ibang partido. Napagkasunduang
itakda sa ika-Pito ng Agosto, araw ng Martes, ang botohan sa magiging motion
na itigil na ang debate sa RH Bill. Wala
po ako sa meeting na iyon, sapagkat hindi po ako pinuno ng anumang partido,
ngunit alam kong may mga naroon, kasama sa usapan, na hindi dapat pumayag sa
ganoong kasunduan sapagkat, kagaya ko, tutol din sila sa RH Bill. Alam nilang marami pa tayong kasamahang tutol
din sa RH Bill na dapat mabigyan ng pagkakataong makapagsalita o makasali sa
debate. Sapagkat kung may ganoong
kasunduan, hindi na nga naman magiging marangal na magsagawa ng iba pang
maneobra, lehitimo rin sana, upang huwag umusad ang RH Bill, gaya ng
pagkwestyon sa quorum, paggamit sa pribilehyong magdiskurso sa ibang mga
usapin, atbp. Dapat sana ay pinagsisikapan
ng panig na tutol sa RH Bill na hindi agad matapos ang debate sapagkat ito ay
lalong nakakamulat hindi lamang sa ating mga mambabatas kundi pati rin sa
publiko. Sa aking palagay, pumayag
lamang ang mga anti-RH leaders sa kasunduang magbotohan sa ika-Pito ng Agosto
dahil mayroong kalakip na kondisyon; na kung mananaig ang mga tutol sa pagtigil
ng debate, hindi na rin tatalakayin ang RH Bill. Manaig man ang mga sang-ayon sa RH Bill na
itigil ang debate, bahala na kung ano ang mangyayari. Sa panig naman naming mga anti-RH,
kaakit-akit nga naman ang posibilidad na mapatay na ang Bill sa ika-Pito ng
Agosto sa pamamagitan ng pagkatalo ng motion to terminate debate. Ito po ang sitwasyon bago dumating ang araw
ng Lunes, ika-Anim ng Agosto.
Noong pong
Sabado, ika-Apat ng Agosto, habang ako ay nasa Anti-RH Prayer Power Rally sa
EDSA, nakasagap po ako ng balitang nagpatawag daw po ang Malakanyang ng meeting
ng mga konggresista. Nakatakda raw po
ang meeting kinabukasan ng tanghali, araw ng Lunes, ika-Anim ng Agosto. Hindi po ako nakatanggap ng paanyaya kaya
hindi rin ako dumalo. Kaya po nagulat
ako, noong hapon ng Lunes, ika-Anim ng Agosto, sa pagsimula ng sesyon, nang
malaman kong pina-aga pala ang petsa ng botohan mula sa napagkasunduang
ika-Pito ng Agosto, at naging ika-Anim ng Agosto.
Ang pakiramdam
ko po noon ay “naisahan” kaming mga anti-RH:
ni hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapagpaliwanagan, at nang
makapaghanda lamang sana kahit kaunti. Nagulat
din po ako sa pagkapanalo ng motion to terminate debate sa pamamagitan ng
sigawan lamang: sa pandinig ko po, sa
gallery pa nagmula ang ibang “aye” o yes vote, hindi sa mga miembro ng
kapulungang ito. Kaya po nais kong gamitin
ang pagkakataong ito upang ipaalam sa lahat na ako po ay bumoto ng “Nay”, kontra
sa motion to terminate.
Sinasabi ko po
ito upang malaman ng sambayanang Pilipino:
May panlilinlang na naganap.
Naisahan lamang tayo. At kung tumatahak
po tayo sa Daang Matuwid, dapat ay hindi puwede ang “nakaisa”. Ang “nakaisa”, kakambal ng “palusot”.
Sinasabi ko po
ito sapagkat marami ang nag-iisip na ang pagtatapos sa debate sa RH Bill noong
August 6 ay may koneksyon sa pagkakasalanta natin sa baha noong araw na iyon at
mga sumunod na araw. Kaya nga hindi pa
mapangalanan ang kalamidad na naganap hanggang ngayon, dapat daw itong tawaging
“Bahang RH”. Oo nga, hindi natin
masasabing nagbaha dahil sa pagtatapos ng debate sa RH Bill; ngunit hindi rin
masasabing walang kinalaman ang isa sa isa:
mayroon, hindi lamang makita ng makamundong pananaw.
May kaibigan po
ako, si Ms. Baby Nebrida. Siya po ay
kilala bilang isang “visionary”. Bago
maganap ang Nine-One-One sa New York, ito po ay “nakita” ni Ms. Baby Nebrida,
at naipahayag niya sa marami. Bago
maganap ang sakunang Ondoy sa ating bansa noong 2009, naipahayag din niya na
kung uusad ang RH Bill, may ganoong magaganap na sakuna. Pumasa nga sa komite ang RH Bill noong 14th
Congress at sinundan agad ng Ondoy.
Noong nakaraang Lunes, ika-Anim ng Agosto, umusad na naman ng malaking
hakbang ang RH Bill, at agad nating naranasan ang Bahang RH. At sinasabi po ni Ms. Baby Nebrida, kung
lulusot ang RH Bill, napakalaking kalamidad ang darating sa ating lahat. Wala po akong mapipilit na maniwala kay Ms.
Baby Nebrida, ngunit ayaw ko pong masisi niya o ng libo-libong biktima ng
sakunang nangyari at maaaring mangyari dahil sa RH Bill na ito.
Hindi naman
katakatakang magparamdam ang Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga
karanasan. Sa Bibliya, maraming
pagkakataong pinayagan ng Diyos na magdusa ang sambayanan dahil sa kasalanan,
kahit kasalanan lamang ng mga pinuno. At
ang RH Bill, sa aming pananampalataya, ay isang malaking kasalanan: labag sa
utos ng Diyos, sapagkat ang kakayahang mag-sex ng tao ay itinakda Niya sa
pagiging mabunga. Hindi ito maaaring
ituring na laruan para lamang sa kasiyahan ng indibidwal o ng
magka-partner. Mayroong pag-abuso,
maling paggamit, kapag pinipigilan sa pamamagitan ng artipisyal na paraan ang
pagiging mabunga nito. Ito rin po ang
turo ng aming mga Obispo, at sa aming mga Katoliko, sa pagtupad nila sa
kanilang tungkulin, sila po ang kasangkapan at tinig ng Diyos. Kaya po, kapag nilalait ang aming mga Obispo,
kami po ay nasasaktan din.
Ngunit sino nga
ba ang talagang pinaliligaya sa pagmamadaling maipasa ang RH Bill na ito? Walumpung porsyento ng Pilipino ay Katoliko;
at ang simbahan ay hindi lamang mga Obispo at Pari. Ang Simbahang Katoliko ay tayo—karamihan sa
inyo ay Katoliko rin—mga propesyonal, may asawa at mga anak—na tutol sa RH
Bill.
Ang RH Bill ay
isang atake sa Katolisismo. At ang ating
pagtutol dito ay hindi pamimilit na masunod ng iba ang ating paniniwala kundi
isang pagtanggol ng karapatan: Huwag
naman mga katoliko ang piliting sumang-ayon at sumunod sa pananampalataya ng
mga nagsusulong ng RH Bill. Ang
tinutukoy ko po ay ang mga pananampalatayang liberalismo, sosyalismo, marxismo,
ateismo, at kung ano pang mga –ismong nagngangalit na gustong tapakan at
burahin ang Simbahang Katoliko sa lahat ng usapang panlipunan sapagkat kontra
sa kanilang pananampalataya, kontra sa kanilang mga ideolohiyang banyaga, na ang
pinatutunguhan ay ang paglipol sa ating lahing Pilipino.
Sang-ayon po ako
sa sinulat ni Senator Kit Tatad:
“To the
country’s Roman Catholics, the bill is an undisguised anti-Catholic
measure. It savages an important
doctrine of their faith, and then requires them to provide the tax money to
fund the program that would attack their faith.
The bill is arrogantly telling Catholics not to learn their faith from
their Church but learn it from Congress instead. It is religious persecution pure and simple...
and the victim is not a small religious minority but rather the overwhelming
majority of 95 million Filipinos.”
Ngunit hindi lang
po pananampalataya ang nag-uudyok sa aming pagtutol sa RH Bill. Sang-ayon din po ako sa lahat ng sinulat ni
Dr. Bernardo Villegas, isang dalubhasa sa ekonomiya at isa sa mga umakda sa
1987 Constitution. Bahagi lamang po
itong aking babasahin:
“Passing the RH
Bill would literally be killing the goose that lays the golden eggs... The
Philippines does not need any population management program because its
fertility rate is already rapidly falling.
Within a generation, fertility rate of the Philippines will be at
below-replacement level of 2.1 babies per fertile woman. Today, thanks to a large population, the
Philippines is one of the few countries whose GDP is still growing at 6 percent
or more because its businesses can sell to a lucrative domestic market even as
exports suffer a dramatic slowdown...the RH Bill will plant the seeds of a
contraceptive mentality among married couples, as has happened in all the
Northeast Asian countries who are now suffering
from a severe ‘demographic winter’.
“In the social
sciences, there are findings that the contraceptive lifestyle destroys the very
foundation of society, the family.
According to Nobel Prize winner George Akerlof, who combines the study
of economics and psychology, contraceptives tend to degrade marriage and lead
to more extramarital sex, more fatherless children, more single mothers and
more psychologically troubled adolescents...Also, contrary to the claims of the
proponents of the RH Bill, condoms promote the spread of AIDS...give a false
sense of security and prompt people to be more reckless in assuming sexual
risks, thus worsening the spread of the sexually transmitted diseases.”
Ngayon po ay may
lumalakad na signature campaign, sinimulan ng Prolife Coalition noon lang
nakaraang Sabado, ika-Labing-Isa ng Agosto, na kumakalap ng mga lagda sa isang
petisyon, naka-address po sa kapulungang ito, at ang nilalamang mensahe ay “We
respectfully but strongly urge you to reject the RH/RP Bill”. Ngayon pa lamang po, sa isang milyong lagdang
inaasahan, mayroon nang mahigit isandaan-libong lagda ang nakalap at amin pong
isusumite sa kinauukulang tanggapan ng kapulungang ito.
Sana po ay
pakinggan ito.
Maraming salamat
po.
O.C.P.A.J.P.M.